AWIT 123
Magpasakop sa Teokratikong Kaayusan
-
1. Habang bayan ng Diyos ay nangangaral
Tungkol sa Kahariang minamahal,
Ang kaayusan niya’y dapat na sundin,
Pagkakaisa ay panatilihin.
(KORO)
Pagpapasakop at katapatan,
Sa Diyos ay ilaan.
Maibigin siya, mapagkalinga.
Tayo ay iingatan.
-
2. Katiwala ng Diyos ang ating gabay,
At espiritu niya sa ’ti’y aakay.
Maging matatag nang lingap niya’y kamtin.
Ihayag natin ang kaniyang layunin!
(KORO)
Pagpapasakop at katapatan,
Sa Diyos ay ilaan.
Maibigin siya, mapagkalinga.
Tayo ay iingatan.
(Tingnan din ang Luc. 12:42; Heb. 13:7, 17.)