AWIT 78
Itinuturo ang Salita ng Diyos
-
1. O ang mga nagtuturo
ng Salita ng Diyos,
Nakikinabang din sila,
Pagpapala’y lubos.
Si Jesu-Kristo’y nagturo
Taglay ang pag-ibig.
Tularan siya; iba’y tulungang
sa Diyos mapalapít.
-
2. Bilang guro ng Salita,
Tama ating gawin,
At makikita ng lahat
na tayo’y taimtim.
Saliksikin ang Salita,
Imbaka’y punuin;
Tayo ay magbahagi at
Sarili’y turuan din.
-
3. Inilaan ni Jehova
Lahat ng kailangan.
Dalangin para sa tulong,
Kaniyang pakikinggan.
Ang Salita ni Jehova,
Kayamanan natin.
Mahal nating tinuturuan
Magiging guro din!
(Tingnan din ang Awit 119:97; 2 Tim. 4:2; Tito 2:7; 1 Juan 5:14.)