AWIT 99
Ang Ating Buong Kapatiran
-
1. Mayro’ng isang kapatiran,
Kay gandang pagmasdan.
Sa Diyos ay naglilingkod
Nang may katapatan.
Milyon-milyon ang bilang,
At dumarami pa.
Galing sa bawat bansa’t wika,
Pumupuri kay Jah.
-
2. Ating buong kapatiran,
Nangangaral ngayon
Ng mabuting balita
Sa lunsod at nayon.
Minsan ay napapagod
At nahihirapan.
Pinagiginhawa ni Kristo
Ang nabibigatan.
-
3. Mga lingkod ni Jehova,
Kaniyang iingatan
Habang naglilingkuran
Sa kaniyang harapan.
Ang ating kapatiran,
Ang buong bayan niya,
Kamanggagawa ni Jehova,
Lingkod niya sa lupa.
(Tingnan din ang Isa. 52:7; Mat. 11:29; Apoc. 7:15.)