JW.ORG WEBSITE
Hanapin ang Nilalaman sa Ibang Wika
Kung nag-aaral ka ng isang wika o kung gusto mong ibahagi ang impormasyong nakuha mo sa jw.org sa isa na nagsasalita ng ibang wika, gamitin ang isa sa tatlong paraang binabanggit sa ibaba para hanapin ang nilalaman ng jw.org sa wikang gusto mo.
I-switch sa ibang wika ang site
I-click ang Wika para makita ang kumpletong listahan ng mga wikang available sa jw.org.
Ang bawat wika ay may isa sa sumusunod na icon sa kaliwa ng pangalan:
Ang website, o ang ilang bahagi nito, ay isinalin sa wikang ito. Piliin ang pangalan ng wika at iyon ang magiging wika ng site.
Ang site ay hindi pa naisasalin sa wikang ito, pero may mga publikasyon na puwedeng i-download. Piliin ang pangalan ng wika para makita ang listahan ng available na mga publikasyon.
Ang icon na ito ay para sa sign language. Karamihan ng content ng sign language ay mga video.
I-check ang kahong Ipakita ang mga Sign Language para mga sign language lang ang makikita mo.
Dahil daan-daang wika ang makikita sa listahan, gamitin ang isa sa sumusunod na paraan para makita mo agad ang wikang gusto mo:
Pumili ng paboritong wika: Ang huling apat na wikang napili ay makikita sa itaas ng listahan.
I-type ang pangalan ng wika: Mag-type ng ilang character ng pangalan ng wika, gamit ang mga character sa iyong wika o sa wikang hinahanap mo. Halimbawa, kung English ang wika ng iyong site at gusto mong i-switch ito sa German, puwede mong i-type ang “German” o “Deutsch.” Habang itina-type mo ang bawat character, lalabas ang mga wikang magma-match sa mga character na itina-type mo.
Idispley sa ibang wika ang web page
Paraan 1: Gamitin ang paraang ito sa web page na may drop-down list ng Basahin sa Wikang.
Magpunta sa artikulong gusto mong basahin o ibahagi sa iba. Pagkatapos, pumili ng wika sa drop-down list ng Basahin sa Wikang para makita ang artikulo sa wikang iyon. (Kung ang wikang hinahanap mo ay wala sa drop-down list ng Basahin sa Wikang, nangangahulugan ito na hindi pa nailalathala ang artikulo sa wikang iyon.)
Tip: Sa drop-down list ng Basahin sa Wikang, ang audio icon na makikita sa kaliwa ng pangalan ng wika ay nangangahulugang may audio recording ng artikulo sa wikang iyon.
Kapag pumili ka ng ibang wika para sa isang artikulo sa drop-down list ng Basahin sa Wikang, ang artikulong iyon lang ang makikita sa wikang pinili. Mananatili sa dating wika ang iba pang bahagi ng site.
Paraan 2: Kung walang drop-down list ng Basahin sa Wikang ang artikulong binabasa mo, i-click ang Wika para i-switch ang site sa wikang gusto mo. Kung ang artikulong binabasa mo ay available sa wikang napili mo, lilitaw iyon. Kung hindi, dadalhin ka sa home page ng wikang napili mo.
Hanapin sa ibang wika ang publikasyon
Magpunta sa LIBRARY. Pumili ng wika sa drop-down list ng Wika at i-click ang Maghanap.
Dahil daan-daang wika ang nasa listahan, puwede mong i-click ang Wika sa drop-down list. Pagkatapos, i-type ang pangalan ng wika para mabawasan ang nasa listahan.
Kung maraming publikasyon ang available sa pinili mong wika, hindi lahat ay lilitaw sa LIBRARY page. Para makita ang lahat ng publikasyon sa pinili mong wika, magpunta sa isa sa mga uri ng publikasyon (halimbawa, AKLAT AT BROSYUR o MAGASIN) para makita ang listahan ng gayong publikasyon na available sa napili mong wika.
Kung walang ganoong uri ng publikasyon sa napiling wika, may makikita kang link para sa publikasyon na available sa wikang iyon.