Pumunta sa nilalaman

Ipinagbabawal Ba ng mga Saksi ni Jehova ang Ilang Partikular na mga Pelikula, Aklat, o Awit?

Ipinagbabawal Ba ng mga Saksi ni Jehova ang Ilang Partikular na mga Pelikula, Aklat, o Awit?

 Hindi. Ang aming organisasyon ay hindi nagre-review ng mga pelikula, aklat, o awit para idikta kung alin ang dapat iwasan ng bawat indibidwal. Bakit?

Hinihimok ng Bibliya ang bawat indibidwal na sanayin ang kanilang “kakayahang umunawa” para makilala ang tama at mali.​—Hebreo 5:14.

Ang Kasulatan ay nagbibigay ng saligang mga simulain na maaaring isaalang-alang ng isang Kristiyano sa pagpili ng libangan. a Gaya sa ibang bahagi ng aming buhay, ang tunguhin namin ay “patuloy na tiyakin kung ano ang kalugod-lugod sa Panginoon.”​—Efeso 5:10.

Itinuturo ng Bibliya na binigyan ng awtoridad ang ulo ng pamilya, kaya puwede niyang ipagbawal sa mga miyembro ng kaniyang pamilya ang ilang partikular na libangan. (1 Corinto 11:3; Efeso 6:1-4) Pero maliban dito, walang isa man ang binigyan ng awtoridad na sabihing bawal sa lahat ng Saksi ang isang partikular na pelikula, awit, o artista.​—Galacia 6:5.

a Halimbawa, hinahatulan ng Bibliya ang anumang nagtataguyod ng espiritismo, seksuwal na imoralidad, o karahasan.​—Deuteronomio 18:10-13; Efeso 5:3; Colosas 3:8.