Si Jesus ba ang Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat?
Ang sagot ng Bibliya
Ayon sa mga kaaway ni Jesus, diumano’y ginagawa niyang kapantay ng Diyos ang kaniyang sarili. (Juan 5:18; 10:30-33) Pero hindi kailanman inangkin ni Jesus na kapantay siya ng Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat. Sinabi niya: “Ang Ama ay mas dakila kaysa sa akin.”—Juan 14:28.
Hindi inisip ng unang mga tagasunod ni Jesus na siya ay kapantay ng Diyos. Halimbawa, isinulat ni apostol Pablo na pagkatapos buhayin si Jesus, “dinakila siya ng Diyos sa isang nakatataas na posisyon.” Malinaw, alam ni Pablo na hindi si Jesus ang Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat. Kasi kung siya ang Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat, hindi na siya dadakilain ng Diyos sa isang nakatataas na posisyon.—Filipos 2:9.