Pumunta sa nilalaman

MAY NAGDISENYO BA NITO?

Ang Matibay na Ngipin ng Limpet

Ang Matibay na Ngipin ng Limpet

 Ang limpet ay isang susô na nakatira sa tubig at may shell na hugis cone. Hindi pangkaraniwan ang tibay ng mga ngipin nito. Ang mga ngipin nito ay binubuo ng maninipis at siksik na hibla ng matigas na mineral na tinatawag na goethite, na nakadikit sa mas malambot na protein base.

 Pag-isipan ito: Ang radula ng limpet ay parang dila. Nababalutan ito ng magkakahanay na ngiping pakurba—ang bawat isa ay wala pang isang milimetro ang haba—na ginagamit na pangkayod. Kailangang napakatibay at napakatigas ng bawat ngipin ng limpet para makayod nito ang lumot sa mga bato at makakain.

 Gumamit ang mga mananaliksik ng isang atomic force microscope para sukatin kung gaano katibay ang mga ngipin nito sa paghatak bago masira. Natuklasan nila na ang ngipin ng limpet ang pinakamatibay sa lahat ng sinuri nila—mas matibay pa kaysa sa sapot ng gagamba. Sinabi ng nanguna sa pagsasaliksik: “Iniisip naming gumawa ng mga bagay na tinutularan ang disenyo nito.”

 Naniniwala ang mga mananaliksik na magagamit nila ang disenyo ng ngipin ng limpet sa paggawa ng kotse, bangka, eroplano at kahit sa paggawa ng pustiso ng tao.

 Ano sa palagay mo? Ang napakatibay na ngipin ba ng limpet ay resulta ng ebolusyon? O may nagdisenyo nito?